A Shameless Power Play (Guest Columnist, Jay Sonza)

Ang mga nagpanday ng ating 1987 Constitution ay pawang nagtapos ng ibat-ibang college courses and discipline at nagpatuloy upang maging ganap’ na abogado

Karamihan sa kanila ay mga pantas at nagpakadalubhasa sa Batas – may mga law professors, dekano sa mga pamantasan ng abogasya, municipal at regional trial court judges, mga kilalang abogado at naging mahistrado ng Court of Appeals at Supreme Court at dating miyembro ng 1973 Constitutional Convention.

Matapos ang masusing pananaliksik, pag-aaral at paliwanagan, ang iniakdang Saligang Batas ay isinangguni sa mamamayang Pilipino. Pinagtibay at sinang-ayunan ito nang mahigit 70 porsiyento o halos 22 milyon sa buong bansa

Nito lamang ika-23 ng September 2026 ay tahasang binago ang sagradong takda ng ating Saligang Batas na may kinalaman sa pagbibigay ng trangkahan sa anumang pagtatangka na abusuhin ito ng mga gahaman at makasariling politico.

Ang naturan ay isiganawa nang 2 criminally convicted at college drop out; isang beterenong senador mula sa pamosong One Ball university sa TV; isang atorni na asawa Ng artista at walang sapat na karanasan o kadaludhasaan; isang pamangkin ng presidenteng lumagda sa isinulat ng Constitutional Commission; isang choral group member na sumali sa nakiusyoso sa EDSA; isang dating heneral na nagtago ng maharap sa isang karumaldumal na krimen; at iba pang nahaharap sa mga kasong pandarambong at katiwalian.

Tapos sasabihin nilang ito ay minsanan lang naman at nakatuon lamang ito laban sa bise presidente na inihalal ng mahigit 32 milyong Pilipino sa isang malayang halalan.

The Senate of the 20th Congress of the Philippines arrogated upon itself the power to amend the 1987 Constitution.

What a mockery!

What a shame!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top