PAHAYAG NI SENATOR CHIZ ESCUDERO SA PAGSASABATAS NG RA NO. 12326

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na nagtatakda ng limang‑taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan, at naglilipat ng BSKE sa Nobyembre 2028. Ito ang hakbang na inaasahang magbibigay ng katiyakan at katatagan sa pamamahala na siyang pinakamahalaga dahil ang barangay ang frontliners ng pamahalaan sa anumang serbisyo publiko.

Bilang pangunahing may-akada ng nasabing panukala sa Senado, malinaw sa atin na ang layunin ng batas na ito ay ayusin ang sistema at tiyakin na may malinaw na ikot o siklo sa pamamahala sa barangay. Kapag maayos ang termino, maayos din ang serbisyo.

Nagpapasalamat tayo sa Pangulo sa agarang pagsasabatas sa 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲.

Maraming salamat din sa ating mga kasamahan sa Senado, pati na rin sa ating mga kapwa mambabatas sa House of Representatives, sa kanilang suporta at pakikiisa upang maipasa ang repormang ito. Sa kanilang tulong, napagtibay natin ang isang batas na magbibigay ng mas matatag, mas episyente, at mas makatarungang pamamahala sa ating mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top